MANILA, Philippines — Sa kabila ng pagbaba ng kaso ng COVID-19, nasa 390 pang lugar sa bansa ang nasa ilalim ng “granular lockdown”, ayon sa Department of Interior and Local Government (DILG) kahapon.
Sa kabila nito, sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año, na mula sa 605 lugar na dating naka-granular lockdown ay bumaba na ngayon sa 390.
Sa mga barangay aniya ay nagkaroon rin ng pagbaba sa 153 mula sa 210.
Ang bilang naman ng mga apektadong household ay nasa 355 mula sa 744, kung saan apektado ang may 499 indibidwal.
“And in the barangays with 210 last week is down to only 153. And the number of affected households is at 355 from 744 where 499 individuals are affected,” ulat pa ni Año kay Pang. Rodrigo Duterte.
Sinabi pa ni Año na ngayon ang COVID-19 cases ay nasa downward trend na, inaasahan nilang ang bilang ng mga granular lockdown areas ay lalo pang mababawasan.