MANILA, Philippines — Mula Pebrero 16 hanggang Pebrero 28, 2022 base sa desisyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases ay mananatili sa Alert Level 2 ang National Capital Region (NCR).
Kabilang sa mga pinapayagan sa Alert Level 2 ang limitadong face-to-face classes, dine-in services, religious gatherings, at personal care services sa 50% capacity sa indoor venue para sa mga mamamayan na kumpleto na ang bakuna laban sa COVID-19.
Iiral din ang Alert Level 2 mula Pebrero 16 hanggang Pebrero 28, 2022 sa Abra, Apayao, Baguio City, Benguet, Ifugao, Kalinga at Mountain Province sa Cordillera Administrative Region; Dagupan City, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union at Pangasinan sa Region I; Batanes, Santiago City, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya at Quirino sa Region II; Bulacan, Angeles City, Aurora, Bataan, Nueva Ecija, Olongapo City, Pampanga, Tarlac at Zambales sa Region III; Cavite, Rizal, Batangas, Laguna, Lucena City at Quezon Province sa Region IV-A; Marinduque, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Palawan, Puerto Princesa City at Romblon sa Region IV-B; Albay, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Masbate, Naga City at Sorsogon sa Region V.
Sa mga lugar sa Visayas at Mindanao ay Alert Level 2 rin mula Pebrero 16 hanggang Pebrero 28, 2022.
Inilagay naman ng IATF sa Alert Level 3 mula Pebrero 16 hanggang Pebrero 28, 2022 ang Iloilo City, Iloilo Province at Guimaras sa Region VI; Zamboanga City sa Region IX; Davao de Oro at Davao Occidental sa Region XI; at South Cotabato sa Region XII. - Ludy Bermudo