Alert Level 2 sa Metro Manila, masyado pang maaga – DOH

Commuters prepare their face shields as they board an EDSA carousel bus at the Monumento station in Quezon City on Sept. 23, 2021.
The STAR / Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Iginiit kahapon ng Department of Health (DOH) na masyado pang maaga para ilagay sa Alert Level 2 ang National Capital Region (NCR) o Metro Manila sa pagpasok ng Pebrero.

Binigyang diin ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa Laging Handa briefing na ang “peak” ng mabilis na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19  ay inaasahan sa pagtatapos ng Enero o sa kalagitnaan ng Pebrero.

Inasahan din na ang mga aktibong kaso ng COVID-19 sa Metro Manila ay dodoble pa sa ikalawang linggo ng Pebrero.

“It’s too early to declare or to say to our people that we will shift or de-escalate to Alert Level 2,”ani Vergeire.

Ang NCR at 50 ibang lugar sa bansa ay nasa ilalim ng Alert Level 3 hanggang sa katapusan ng buwan.

Nauna rito, sinabi ni National Task Force Against COVID-19 special adviser Dr. Ted Herbosa sa isang panayam na posible nang ibaba sa Alert Level 2 ang Metro Manila pagsapit ng Pebrero.

Show comments