MANILA, Philippines — Gagamitin na rin bilang isolation facilities ang mga quarantine hotels matapos aprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases ang rekomendasyon ng Department of Tourism (DOT).
Ayon kay Cabinet Secretary at acting presidential spokesperson Karlo Nograles magkakaroon ng “specific protocols” ang Bureau of Quarantine - Department of Health tungkol dito.
May mga returning overseas Filipinos (ROFs) at overseas Filipino workers (OFWs) ang nagrereklamo na masyadong mabagal ang Board of Quarantine (BOQ) sa paglilipat ng mga indibidwal na nagpopositibo sa COVID-19 mula sa quarantine facility sa isolation area.
Naglabas na aniya ng bagong resolusyon kung saan magkakaroon ng isolation floors ang mga quarantine hotels.