Alert level 2 sa buong Pinas hanggang Disyembre 31
MANILA, Philippines — Simula ngayong araw, Disyembre 16 hanggang Disyembre 31 ay mananatili sa Alert Level 2 ang lahat ng lugar sa Pilipinas.
“The entire country will continue [to be] under Alert Level 2 beginning tomorrow, December 16, until December 31, 2021,” ani acting presidential spokesperson Karlo Nograles sa press briefing.
Ang nasabing desisyon ay napagkasunduan sa isang pulong ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases, nitong Martes.
Dagdag pa rito, hindi na ipatutupad ang guidelines sa community quarantine system at tanging Alert Level System na ang inadopt sa buong bansa.
Sa ilalim ng Alert Level 2, ilang mga negosyo ang papayagan na makapagbukas sa 50% capacity indoors para sa mga fully vaccinated adults at 70% capacity naman outdoors.
- Latest