^

Police Metro

Pharmally execs nailipat na sa Pasay City Jail

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inilipat na kahapon sa Pasay City Jail ang Pharmally executives na sina Linconn Ong at Mohit Dargani.

Ito ay kasunod nang naging utos ng Senate Blue Ribbon Committee matapos hindi makapagsumite ng hinihinging dokumento ng panel para sa iniimbestigahang diumano’y  anomalya sa procurement ng personal protective equipment (PPE) at medical supplies na bahagi ng COVID-19 response ng pamahalaan.

Sinabi naman ni Jail Chief Inspector Xavier Solda, tagapagsalita ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), kahit 1000 porsyentong siksikan ang facility na may 1,104 persons deprived of liberty (PDL), ay handa sila sa dalawang Pharmally executives.

Wala umanong special treatment sa dalawa dahil wala namang hiwalay na facility kundi ang isolation area na para sa mga bagong pasok na PDL na kailangang mai-quarantine bilang bahagi ng health at security procedures.

Sina Ong at Dargani ay mananatili sa isolation area sa loob ng 14 na araw bago ihalo sa selda ng general population.

“Walang special treatment. Walang preferential attention para sa kanila. Ang policy ng BJMP, pantay pantay na pagtrato sa lahat ng aming mga PDL, patas na pagmamalasakit sa lahat,” ani Solda.

PHARMALLY PHARMACEUTICAL CORP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with