^

Police Metro

Medical workers sa Quezon City, daragdagan

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Daragdagan ang medical workers sa Quezon City upang mapabilis ang vaccination driver sa lungsod.

Ito ang inihayag ng ACT-CIS Partylist group sa pangunguna ng magkapatid na radio broadcasters na sina Raffy at Erwin Tulfo sa nilagdaang Memorandum of Agreement (MOA) nila ni Mayor Joy Belmonte.

Tiniyak ng ACT-CIS na sila ay committed para tumulong sa vaccination program ng lungsod, sa pamamagitan nang pagbibigay ng medical teams sa mga vaccination centers.

Ikinatuwa naman ni Mayor Belmonte ang hakbang ng ACT-CIS at Tulfo brothers na makiisa sa “Bayanihan sa Turukan” ng lungsod.

 “Ito po ay aming kontribusyon sa hangarin ng ating pamahalaan na mabakunahan ang lahat sa lalong madaling panahon. Kailangan po tayong magtulong-tulong. Hindi natin matatalo ang virus kung hindi natin susuportahan ang mga ginagawang hakbang ng pamahalaan,” ayon naman kay Erwin, na siyang chairman ng ACT-CIS.

Nabatid na pinahaha­lagahan ng city government ang inisyal na suporta mula sa ACT-CIS party list dahil malaking tulong ito sa pagpapabilis ng kanilang pagbabakuna, at makapagbibigay rin ng mabilis at episyenteng serbisyo sa mga residente.

MEDICAL WORKERS

QUEZON CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with