MANILA, Philippines — Aabot sa P2.6 bilyong halaga na ‘personal protective equipments (PPEs) ang inaasahan ng Department of Health (DOH) na dumating sa bansa na kailangang-kailangan ngayon ng mga medical frontliners.
Ayon sa DOH, sa P3 bilyong hiling nilang pondo para sa PPEs sa ilalim ng Bayanihan II, nasa P2,664,372,044 ang naaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM).
“As of December 31, 2020, the approved budget has been fully transferred to the PS (Procurement Service)-DBM, as the procuring entity for DOH’s PPE needs,” ayon sa DOH.
Sa kasalukuyan, tinatapos na umano ng PS-DBM ang pagbili at delivery ng nasa 4,477,886 PPE gowns, 13,966,780 face masks, 2,184,706 coveralls, at 1,749,364 head covers.