Ina ni Mayor Vico, pumila sa pagbabakuna

MANILA, Philippines — Walang palakasan ang pinaiiral sa Pasig City, matapos na pumila at matiyagang naghintay upang makapagpabakuna ang ina ni Mayor Vico Sotto na si Connie Reyes na isang kilalang bete­ranang aktres. Ayon kay Sotto, nitong Sabado ng umaga nang magpabakuna ang kanyang ina sa Pasig City.

Ipinagmalaki ni Sotto na tumalima ang ina sa polisiyang “first-to-update-first-served” sa pagpapabakuna at pumila upang maturukan ng COVID-19 vaccine. Ang kanyang ina aniya ang naging pang- 6,318th na Pasigueño senior citizen na nabakunahan sa kanilang lungsod.

“Strictly “FIRST-TO-UPDATE-FIRST-SERVED” para sa mga taong nasa iisang­ priority group, alinsunod sa DOH guide­lines,” ayon sa alkalde sa kanyang Facebook account. “Following these guidelines, this morning, my mom was the 6,318th Pasigueño senior citizen to get vaccinated­! Naghintay siya. Hindi naman siya maka­pagreklamo dahil siya ang nagturo sa ‘kin para maging masunurin sa batas at alituntunin ng gobyerno!” dagdag nito.

Iniulat rin ng alkalde na mahigit na sa 24,000 residente ng Pasig City ang naba­kunahan na, kabilang ang mahigit sa 6,000 senior citizens.

Show comments