MANILA, Philippines — Dahil sa umano’y pamemeke ng resulta nang isinasagawang emission testing ay sinuspinde ng Department of Transportation (DOTr) ang anim na private emission testing centers (PETC) sa bansa.
Kabilang sa mga sinuspinde ay ang Jal Emission Testing Center – Roxas, sa Datiles St. Brgy. Tiza Roxas City; JPV Motor Vehicle Emission Testing Center Co-Capiz sa Taft St., Poblacion, Dumalag, Capiz; JPV Motor Vehicle Emission Testing Center-Roxas City, sa Hermingway St., Brgy. Tiza, Roxas City; AJM Emission Testing Center sa McArthur Highway, Sto. Domingo, Angeles City, Pampanga; Thessan Emission Testing Center sa San Roque, Iriga City at JW Private Emission Testing Center sa Sta. Rosa, Bangued, Abra.
Inisyuhan ng DOTr ng preliminary suspension order (Department Order 2016-2017), sa pamamagitan ng kanilang Investigation Security and Law Enforcement Staff (ISLES), ang mga naturang pribadong emission testing centers matapos na madiskubreng namemeke ang mga ito ng resulta nang isinasagawang emission tests.