Traffic enforcer na nagsagawa ng tricycle clearing ops, pinatay

MANILA, Philippines — Dead on the spot ang isang 36-anyos na lalaki na supervisor ng Muntinlupa Traffic Management Bureau (MTMB) nang barilin sa ulo habang nakatalikod sa Barangay Tunasan, Muntinlupa City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Major Rolando T. Santiago, station duty officer ng Tunasan Sub-Station, ang nasawi na si Daniel Manalo y Pineda, supervisor ng MTMB at residente ng Phase 1, NBP, Barangay Poblacion, Muntinlupa City.

Bago naganap ang krimen, alas-7:30 ng gabi sa tapat ng isang tindahan sa national road ng Brgy. Tunasan ay nagsagawa ang biktima at kanyang mga tauhan ng clearing operation sa road obstruction ng mga tricycle, alas-5:30 ng hapon.

Nang matapos ang anti-tricycle clearing operations ay nagtungo sila sa isang tindahan na malapit lang doon nang tumunog ang cellphone ng biktima ay lumabas ito nang biglang lumutang ang isang lalaki na tinutukan at mabilisang pinaputukan sa ulo ang nakatalikod na biktima.

Samantala, nag-alok sina Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi ng P100,000 at Congressman Ruffy Biazon ng P100,000 na may kabuuang P200,000 na reward money sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa pagpatay kay Manalo.

Show comments