^

Police Metro

Ex-Rep. Reynaldo Umali, pumanaw na

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sumakabilang buhay na kahapon ng umaga si dating 2nd District Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali matapos itong dapuan ng sakit na kanser na pinalala pa ng COVID-19.

Ito ang kinumpirma ng kapatid nitong si in­cum­bent Oriental Min­doro Rep. Alfonso “Boy”  Umali Jr. at ng anak ng dating solon na si Ian Mikhael Umali sa isang radio interview.

Si ex. Rep. Umali ay binawian ng buhay sa St. Luke’s Medical Center sa Bonifacio Global City da­kong alas-8:00 ng umaga kahapon sa gulang na 63-anyos.

Sinabi ni Rep. Alfonso na ang kaniyang kapatid ay na-diagnose na may COVID-19 at stage 3 liver cancer noong Disyembre. Ang kanser ng solon sa loob lamang ng ilang araw ay lumala at naging stage 4.

Ang dating solon ay na-admit sa Intensive Care Unit (ICU) ng ospital noong Disyembre 21 at na-intubate na simula noong Disyembre 26; pa­wang ng nakalipas na taon.

Bago ito ay na-con­fine na rin ito sa nasa­bing pagamutan noong Disyembre 12 dahilan sa COVID-19 at nitong Miyerkules ay nakitaan ng bacteria ng mga doktor ang atay ni ex Rep. Reynaldo hanggang kahapon ng umaga ay tumaas ang blood pressure nito at dumanas ng cardiac arrest kung saan tuluyan na itong binawian ng buhay.

REYNALDO UMALI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with