^

Police Metro

Internet service dapat higit na mahusay, maaasahan

Doris Franche - Pang-masa
Internet service dapat higit na mahusay, maaasahan
Dahil sa maraming buwang ‘pandemic lockdowns,’ ay bumaling ang mga tao sa internet at naging ‘digital economy’ na rin ang bansa, kung kaya’t kailangan ayusin at pabilisin din ng mga telco; ang ‘internet services’ nila.
data.gov.ph

MANILA, Philippines — “Higit na mabilis, mura at maaasahan na internet service na itinutu­ring na ngayon bilang daluyan ng dugo ng bagong ekonomiya at national emergency.”

Ito ang panawagan ni House Ways and Means Committee chairman Albay Rep. Joey Sarte Salceda, matapos maging pang-64 lamang ang Pilipinas sa “digital evolution ranking” at pang-52 naman sa “digital momentum” ng mga bansa sa mundo, batay sa ulat ng Tufts University sa Massachusetts, USA and Mastercard Inc., at sa ASEAN, kulelat pa diumano ang Pilipinas sa Indonesia at Vietnam.

Si Salceda ay siyang  pangunahing may-akda ng dalawang mahahalagang panukalang batas na naglalayong isulong at gawing makabago ang ‘digital global status’ ng bansa -- ang ‘Faster Internet Services Act’ na nakahain na ngayon ay nasa House Committee on Information, Communications and Techno­logy’ na; at ang ‘Satellite Libera­lization Act’ na inendorso ng Pangulong Duterte sa ‘Economic Cluster panel.’

Ayon sa mambabatas, kailangan ang mga bagong ‘telco players’ upang magkaroon ng tamang kumpetisyon sa ‘telecommunications sector’ ng bansa dahil “ang ‘internet connection’ ay pangunahing panga­ngailangan na ngayon.”

Dahil sa maraming buwang ‘pandemic lockdowns,’ ay bumaling ang mga tao sa internet at naging ‘digital economy’ na rin ang bansa, kung kaya’t kailangan ayusin at pabilisin din ng mga telco; ang ‘internet services’ nila.

“Pati mga bagong trabaho, ‘digital’ na. Kaila­ngan natin ang mga natu­rang bagong trabaho upang makabawi tayo sa pagkakalugmok ng pandemya. Hindi magaganap ito kung mananatiling kilos pagong ang ‘internet’ natin, ‘national emergency’ na ito,” paliwanag niya.

INTERNET SERVICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with