MANILA, Philippines — Nauwi sa kamatayan ang pag-iwas ng isang lalaki sa mga pulis na aaresto sa kanya nang ito ay tumalon sa Laguna Lake sa Lower Bicutan, Taguig City, kahapon ng hapon.
Kinilala ang nasawi na si Santiago Baja Acosta, nasa hustong gulang at residente ng Lower Bicutan ng lungsod.
Sa ulat, nagsagawa ng anti-criminality at anti-gambling operations ang pulisya, ala-1:00 ng hapon sa Lower Bicutan, Taguig City nang maaktuhan ang walong nagsusugal ng larong ‘pusoy’ na kung saan ay mabilis na tumakbo si Acosta para hindi mahuli at tumalon sa Laguna Lake na kung saan ay nalunod habang ang pito na kanyang kasama ay naaresto.