MANILA, Philippines — Sinira ng Bureau of Customs (BOC) ang nasa P215 milyong halaga ng mga sigarilyo at gulay na iligal na ipinasok sa Port of Subic.
Inumpisahan ang pagsira sa naturang mga produkto nitong Oktubre 30 sa ‘rendering facility’ ng BOC sa Porac, Pampanga sa pangunguna ni Port of Subic Deputy Collected for Assessment Maita Acevedo, mga opisyal ng Philippine Drug Enforcement Agency at Bureau of Plant Industry (BPI).
Aabot sa 5,810 master cases ng mga sigarilyo at iba’t ibang uri ng imported na gulay na lulan ng 3x40 container vans rin ang sinira sa naturang operasyon.