World class standards ng MWLS, kinilalang ‘excellent’ sa proficiency testing
MANILA, Philippines — Pagkaraan ang isinagawang proficiency testing ng Waters ERA nitong Agosto at Setyembre ng taong kasalukuyan ay kinilala ang Manila Water Laboratory Services bilang Laboratory of Excellence kung saan inihambing ito sa higit 300 iba pang laboratoryo sa buong mundo.
Bilang pagtataguyod sa mga sertipikasyon at akreditasyong natanggap nito, sinikap ng MWLS na matamo ang pagkilalang ito bilang pagpapatunay na ang mga pamamaraan at prosesong sinusunod nito ay pasado sa “world-class standards” upang masiguro na ang tubig na umaabot sa mga metro ng customer ay malinis at ligtas inumin at ang “wastewater effluent” ay nananatiling ligtas din upang itaguyod and pagkabuhay ng mga isda at halamang tubig sa mga ilog.
“Layunin ng Manila Water Laboratory Services na ang resulta ng aming mga pagsusuri ay wasto at mapagkakatiwalaan kaya’t sumailalim kami sa Proficiency Testing ng ERA. Ikinagagalak naman namin na lahat ng test parameters na sinuri ay nakatanggap ng “satisfactory” na marka,” wika ni MWLS Head Ms. Joy De Vera.
Mayroon nang akreditasyon ang MWLS kaugnay ng pamantayan ng ISO 17025:2017 sa “quality management system for testing and calibration laboratories” at mula sa Department of Health (DOH) ay kinilala rin ng Department of Natural Resources (DENR) bilang Environmental Laboratory.
- Latest