MANILA, Philippines — Nagpalabas ng P3 milyon pabuya si Zamboanga City Mayor Beng Climaco sa sino man na makapagtuturo sa mga mastermind at sangkot sa kambal na pagsabog sa Jolo, Sulu noong Agosto 24.
Kasalukuyang hinahanap ng mga otoridad si Abu Sayyaf Group subleader Mundi Sawadjaan na pinagsususpetsahang utak sa kambal na pagsabog sa nasabing lugar.
Ganitong halaga rin ang ipinatong sa ulo ng mga opisyal kay Indonesian national Andi Baso na kasabwat sa pagpapasabog nagdulot ng pagkamatay 15 indibidwal.
Maliban sa dalawang opisyal, pinaghahanap na rin ang Indonesian national na si Reski Fantasya aka Cici na asawa ni Baso at pinagsusupetsahang suspek sa Jolo cathedral bombing noong 2019,pero hindi tinukoy kung magkano ang pabuya rito.
Nagbabala rin sa publiko si Climaco sa posibleng pag-atakeng muli ng mga nasabing indibidwal.
Una nang ibinunyag ng mga otoridad na sila ay nasa hot pursuit sa Abu Sayyaf bomb expert na si Mundi Sawadjaan kasunod ng nasabing pagsabog
Ito ay nagresulta sa pagkamatay ng dalawang miyembro ng Abu Sayyaf nitong Sabado, Agosto 29 sa ganap na alas-9:45 ng umaga sa Patikul, Sulu. - Rhoderick Beñez -