MANILA, Philippines — May 11 pang Filipino na napadagdag sa bilang ng mga nasaktan sa pagsabog sa Beirut, Lebanon, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Ayon kay Undersecretary Sarah Lou Arriola, tumaas na sa 42 ang nasaktan sa pagsabog matapos maitala ang karagdagang 11.
Inalerto na rin aniya ang DFA na may isa pang Filipino na nawawala kaya dalawa na ang kanilang bilang.
“By day’s end yesterday (Biyernes), the number of injured OFWs stands at 42, an increase of eleven from the previous report. We were also alerted that another Filipino was reported missing, increasing the number to two. The number of Filipino fatalities, meanwhile, remains at four,” ani Arriola.
Patuloy pa ring inaalam ng Embahada ng Pilipinas sa Beirut ang kalagayan ng mga apektadong Pinoy sa nasabing pagsabog sa gumimbal sa buong Lebanon.
Itinakda na ang repatriation flight ng mga Pinoy na uuwi sa bansa sa Agosto 16, 2020 kung saan isasabay din ang mga labi ng mga nasawi sa pagsabog.