Sa reklamo ng dating live-in partner
MANILA, Philippines — Arestado ang aktor na si “Matt Evans” na sumikat dahil sa pagganap sa teleserye na “Da Adventures of Pedro Penduko” matapos silbihan ng warrant of arrest kaugnay sa kasong paglabag sa Republic Act 9262 o “Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004” kaugnay sa kasong isinampa ng kaniyang dating live-in partner na si Johnelline Hickins.
Sa ulat ng Manila Police District-Warrant and Subpoena Section (MPD-WSS), dakong alas 11:30 umaga nitong Biyernes (Hulyo 31) nang arestuhin si Matt Evans o Matthew Evans Nicolas sa tunay na buhay sa kaniyang bahay sa Lacson Avenue, Sampaloc, Maynila ng grupo nina P/Eexecutive Master Sgt. Manuel Aceveda, P/SMS Rem Sychangco P/MSG June Ricohermoso P/SSG Albert Acevedo sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Carmencita Lacandazo Logan ng Pasig Regional Trial Court (RTC) Branch 12 na may Case No. RPSG 20-00830 CR dahil sa paglabag sa R.A. 9262 na may inirekomendang piyansa na P36,000.00 para sa pansamantala nitogn kalayaan.
Si Evans na kasal sa negosyanteng si Riza Katrina Evans ay nagsimulang makilala sa TV reality show na Pinoy Big Brother hanggang sa naging aktor at naging bida sa teleserye na “Da Adventures of Pedro Penduko”, “Tanging Yaman” at “Rosalka”.