Loans at subsidy inihirit para sa mga guro

MANILA, Philippines — Iminungkahi ni Deputy Speaker Aurelio Gonzales Jr., (3rd District Pampanga) na bigyan ng loans at subsidy ang mga guro at iba pang mga empleyado sa mga eskuwelahan na matin­ding naapektuhan ng krisis sa COVID-19 dahilan sa wala pang kasiguruhan ang pagbubukas ng klase. 

Sinabi ni Gonzales na ito ang nilalaman ng kanyang Resolution No. 105 na inihain sa Kamara upang matugunan ang pagdurusa ng mga guro at iba pang mga school personnels dulot ng krisis.

Ang apela ay ipinarating ng mambabatas sa Department of Education, Department of Labor and Employment, Department of Budget and Management, Department of Finance, Commission on Higher Education, Department of Social Welfare and Development Technical Education and Skills Development Authority at National Economic and Development Authority.

Sinabi ni Gonzales na wala pang kasiguruhan kung magbubukas ng klase dahilan wala pang bakuna sa COVID-19 sa bansa.

Show comments