DILG:COVID testing sa mga nagbabalik trabaho ‘di mandatory

Ito ang inihayag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Eduardo Año, na ang mga empleyado na hindi sumailalim sa CO­VID-19 testing ay maaaring pabalikin sa trabaho dahil ang Inter-Agency Task Force (IATF), DILG at ibang ahensiya gaya ng Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Trade and Industry (DTI) ay walang ipinalabas na panuntunan sa mga LGUs na kaila­ngan ng COVID-19 test bago pabalikin sa trabaho ang mga empleyado.
STAR/Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Hindi sapilitan ang COVID-19 testing sa mga empleyado at personnel na nagbabalik sa kani-kanilang mga trabaho.

Ito ang inihayag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Eduardo  Año, na ang mga empleyado na hindi sumailalim sa CO­VID-19  testing ay maaaring pabalikin sa trabaho dahil ang Inter-Agency Task Force (IATF), DILG at ibang ahensiya gaya ng  Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Trade and Industry (DTI) ay walang ipinalabas na panuntunan sa mga LGUs na kaila­ngan ng COVID-19 test bago pabalikin sa trabaho ang mga empleyado.

Aniya,maaaring ipa­sailalim ng mga kumpanya ang kanilang mga em­pleyado sa rapid anti-body tests subali’t ang gastusin nito ay dapat akuin ng employer at hindi ng mga empleyado.

Sa halip na mandatory testing sa mga nagbabalik na empleyado, screening o diagnostic test ang isagawa ng kumpanya pati na ang mga ahensiya ng gobyerno at mga LGUs.

Ayon pa sa kalihim, ang testing ay hindi praktikal sa mga employers dahil sa limitadong test kits sa ngayon.

Dagdag pa nito, ang test ay kailangan lang sa mga indibidwal na may travel history sa mga bansang may mga kaso ng coronavirus, may sintomas ng COVID o may exposure sa confirmed positive case.

Hinikayat ng kalihim ang mga kompanya na pasagutin sa disclosure form ang mga nagbabalik na empleyado kung saan nakasaad dito ang kanilang ginawa sa loob ng nakaraang 14 na araw at siguraduhin ang pagsagot ng tapat ng mga personnel dahil ito ang unang paraan para mapigilan ang paghawa-hawaan sa pinagtatrabahuan.

Show comments