MANILA, Philippines — Isang 40-anyos na lalaki ang agad na nasawi matapos saksakin sa dibdib ng kanyang sariling ama kamakalawa ng gabi sa Baggao, Cagayan.
Kinilala ni P/EMS Rommel Serrano ng Baggao Police ang nasawing biktima na si Rick Gawat, 40, isang driver, habang ang suspek ay ang ama nito na si Armando Gawat, isang ex-convict at kapwa residente ng Sitio Tueg, Barangay Bitag Grande sa nasabing bayan.
Lumalabas sa imbestigasyon, alas-10:00 ng gabi ay umuwing lasing ang biktima sa kanilang bahay mula sa pakikipag-inuman sa kanilang kapitbahay kung saan ay ginalit umano nito ang kanyang ama hanggang sa magkaroon sila ng mainitang pagtatalo.
Napuruhan ang nakababatang Gawat matapos undayan ng saksak ng kanyang ama sa dibdib gamit ang isang 14-pulgadang patalim na sanhi ng agarang pagkamatay nito.
Tumakas at nagtago sa kabundukan sa lugar ang suspek na nakulong ng mahigit sa 20-taon dahil sa kasong murder.