Ex-DOT Sec. Ramon Jimenez, pumanaw na sa edad 64

MANILA, Philippines — Kinumpirma ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat ang pagpanaw ng dating kalihim ng Department of Tourism (DOT) na si Ramon “Mon” Jimenez sa edad na 64.

Sa inilabas na pahayag, ipinarating ng kalihim ang pakikiramay ng buong kagawaran sa mga naiwang pamilya at kaibigan ni Jimenez.

Binibigyang pagkilala ng DOT ang mga kontribusyon ni Jimenez para sa pagpapalago ng turismo sa bansa. Kabilang aniya rito ang sikat na tourism campaign na “It’s More Fun in the Philippines” at ilang polisiya na humubog sa National Tourism Development Program (NTDP) mula 2016 hanggang 2022.

Si Jimenez ay tumayong kalihim ng DOT mula 2011 hanggang 2016.

Show comments