4 lalawigan sa Luzon, makakaranas ng blackout
MANILA, Philippines — Inaasahang makakaranas ng pansamantalang pagkawala ng suplay ng kuryente ngayong linggong ito ang apat na lalawigan sa Luzon bunsod ng isasagawang pagkukumpuni ng Manila Electric Company (Meralco) sa kanilang mga pasilidad.
Sa paabiso ng Meralco, nabatid na magsasagawa sila ng maintenance works sa ilang lugar sa Laguna, Bulacan, Cavite at Pampanga simula ngayong Abril 28 hanggang Abril 30.
Sa Laguna, apektado ang San Pedro City dahil sa isasagawang instalasyon ng mga pasilidad sa Puerto Galera St. Sa Holiday Homes Subd. Phase 1, Bgy. San Antonio, sa Abril 28.
Sa Bulacan, apektado ang ilang lugar sa Doña Remedios Trinidad, San Ildefonso at San Miguel habang sa Pampanga naman ay apektado ang ilang lugar sa bayan ng Candaba dahil sa maintenance works sa loob ng Meralco-San Miguel substation, na nakatakda mula Abril 29-30.
Apektado rin naman ang Ternate, Maragondon at Naic sa Cavite dahil sa maintenance works sa loob ng Meralco - Puerto Azul substation, sa Abril 30.
- Latest