Metro cops nag-donate ng higit P28 milyon sa Bayanihan Fund
MANILA, Philippines — Aabot sa mahigit P28 milyong piso ang nalikom na donasyon ng mga miyembro ng National Capital Region Police Office (NCRPO) para sa amelioration program ng pamahalaan bilang tulong sa mga mahihirap at apektado ng nararanasang krisis kaugnay sa ipinatutupad na enhanced community quarantine (ECQ).
Nabatid na target lamang ng NCRPO na makalikom ng P25 milyon mula sa boluntaryong ambagan para sa Philippine National Police (PNP) Bayanihan Fund Challenge, subalit umabot ang koleksyon sa P28, 345,100.
Maliban sa fund challenge, patuloy ang “NCRPO good deeds” na makikita sa mga post sa social media simula nang magpatupad ng ECQ.
Ang mga police stations, precincts at indibiduwal na miyembro ng NCRPO ay may kanya-kanya ring paraan ng pagtulong kabilang ang pagkakaloob ng food packs sa mahihirap na pamilya sa kanilang nasasakupan, maging ang ilang grupo tricycle drivers ay nabigyan din ng food packs dahil hindi sila makapagbiyahe at mga preso na hindi naman madalaw ay nabibigyan ng libreng pagkain.
- Latest