Makati government sasagutin ang cremation ng namatay sa COVID-19
MANILA, Philippines — Sasagutin ng Makati local government ang gastusin sa cremation ng mga yumaong residente dahil sa coronavirus disease 2019.
Ito ang sinabi ni Makati Mayor Abby Binay matapos makipagkasundo sa pribadong kumpanyang NewLife Techwin Inc., na magpapagamit ng dalawang crematory machines sa lungsod sa bisa ng isang memorandum of agreement (MOA).
Tiniyak din ng alkalde na ligtas ang cremation process na gagawin, at pasado ito sa mga pamantayan at protocols na itinakda ng Department of Health (DOH).
Sa pinakahuling naitala noong Abril 14, 2020, nasa 199 confirmed cases; 510 ang probable cases; 407 ang suspect cases; 21 ang deaths at 30 ang recoveries sa lungsod.
- Latest