6-anyos batang babae ni-rape slay

MANILA, Philippines — Isang 6-anyos na batang babae na hinihinalang ginahasa ng di kilalang salarin ang natagpuang hubo’t hubad at wala nang buhay sa isang putikan sa Brgy. Poblacion, Burdeos, Quezon kamakalawa ng hapon.

Itinago sa pa­ngalang Thea ang biktima na huling nakitang buhay dakong alas-3:00 ng hapon na nakikipaglaro sa kapwa mga paslit sa nasabing barangay.

Sa ulat ng pulisya, hindi na umuwi sa kanilang bahay ang biktima kung kaya’t hinanap ito ng mga magulang hanggang sa matagpuang wala nang buhay na nakahandusay sa putikan dakong alas-5:00 ng hapon.

Inaalam na ng pulisya kung ano ang dahilan ng pagkamatay ng bata at kung ito ay pinagsamantalahan at pinatay ng hindi pa natukoy na salarin.

Show comments