Graduation rites hindi pa rin pwedeng isagawa – DepEd

Ayon kay Education Sec. Leonor Briones, batid ng DepEd na maraming pamilya ang nalungkot dahil hindi makapagmamartsa ang kanilang mga anak.
STAR/File

MANILA, Philippines — Kanselado pa rin ang pagsasagawa ng graduation rites para sa katatapos na school year.

Ayon kay Education Sec. Leonor Briones, batid ng DepEd na maraming pamilya ang nalungkot dahil hindi makapagmamartsa ang kanilang mga anak.

Pero hindi aniya puwedeng payagan ang pagdaraos ng graduation rites sa kasaluku­yang sitwasyon ng bansa. Malinaw kasi aniya na ipinagbabawal ang mass gatherings sa ilalim ng umiiral na enhanced community quarantine sa Luzon na magtatagal hanggang Abril 30 habang marami na ring lalawigan sa Visayas at Mindanao ang nagpapairal ng ECQ.

Show comments