^

Police Metro

Cooperative movement tumugon kay Sen. Go

Pang-masa

MANILA, Philippines — Upang makatulong sa pagsusumikap ng pamahalaan na labanan ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) at mabawasan ang socio-economic impact ng krisis, tumalima ang cooperative movement sa bansa sa panawagan ni Senator Christopher Lawrence “Bong” Go na gamitin ang kanilang Community Development Fund (CDF).

Ayon sa Philippine Cooperative Center, kabilang sa mga tulong na naipagkaloob nila ay ang pagdo-donate ng mga pangunahing pangangailangan sa mga mamamayan gaya ng pagkain, paghahanda at distribusyon ng mga food packs at hygienic aids, logistics support para sa health/medical workers sa pamamagiyan ng pagbibigay ng mga personal protective equipment (PPE), at pagsasagawa ng sanitation at disinfecting work sa mga coop offices at iba pa.

Nagpasalamat naman si Sen. Go sa positibong tugon ng mga kooperatiba sa kanyang panawagan at umaapela na magkaisa at sama-samang  talunin ang virus bilang isang nagkakaisang bansa na walang imposible kung ang diwa ng bayanihan at pagtutulungan ang mangunguna sa mga isip at puso sa paglaban ng COVID-19 sa Pilipinas.

Magugunita na iminungkahi ni Go, chairman ng Senate Committee on Health and Demography, ang paggamit ng CDF ng mga kooperatiba para sa mga proyektong pakikinabangan ng komunidad sa panahon ng ECQ upang mas lalo pang mapalakas at mapalawig ang paglaban ng bansa sa banta ng COVID-19.

CHRISTOPHER LAWRENCE GO

COMMUNITY DEVELOPMENT FUND

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with