MANILA, Philippines — Inihayag ni Senate President Tito Sotto III na tahimik lamang umanong nag-donate ng kanilang sahod ang ilang senador para makatulong sa paglaban sa coronavirus disease 2019 (COVID-29) at ayaw lamang nila itong ipa-media.
Para naman kay Senador Joel Vilanueva “God knows” o ang Diyos lang ang nakakaalam na silang mga senador ay tumutulong sa taumbayan sa gitna ng COVID-19.
Aniya, hindi ngayon ang tamang panahon para magturuan at magsisihan at hindi maging pabigat kundi dapat ay magtulungan dahil maraming tao ngayon ang namamatay na mismong mga Filipino at kakilala.
Sinabi naman ni Senador Sherwin Gatchalian na ang kanilang pagdo-donate ay para makatulong sa mga kababayan at marami rin silang mga empleyado sa Senado na “no work, no pay” tulad ng mga janitor, at mga waiter.
Tila nagpasaring naman ni Senador Panfilo Lacson kay Manila Mayor Isko Moreno, na namamahagi ang gobyerno ng tulong pinansyal kasama na ang lungsod ng Maynila dahil nagpagod at nagpuyat sila kahit may banta ng COVID-19 para ipasa ang Bayanihan Act dahil ito umano ang kanilang mandato at mali ang paratang na wala silang ginagawa.