MANILA, Philippines — Bagsak kalaboso ang isang drug store owner at pharmacy assistant matapos silang ireklamo ng overpricing ng mga ibinebentang alcohol at iba pang produktong panlaban sa COVID-19 sa entrapment operation sa Brgy. Carig Sur, Tuguegarao City, Cagayan nitong Biyernes.
Kinilala ang mga nasakote na sina Felix Pagaddu, 46 anyos, may-ari ng Farmacia Aindrea ng Brgy. Lanna, Tumauini, Isabela at Jovelyn Maggay, 29, pharmacy assistant, ng Brgy. Caggay ng lungsod.
Sa report ni Brig. Gen. Angelito Casimiro, provincial director ng Police Regional Office (PRO) 2 kay PNP Chief P/General Archie Gamboa, alas-12:10 ng hapon nang masakote ang mga suspek sa nasabing pharmacy kasunod ng report na overpricing sa mga binebentang alcohol, sanitizers, face mask at iba pa.
Nakumpiska sa mga suspek ang ilang litrong Germs Away alcohol na may tag price pang P320.00 bawat isa.