^

Police Metro

2 pekeng pulis tiklo sa checkpoint

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dalawang lalaki ang inaresto sa checkpoint matapos magpakilalang mga pulis at nang hanapan ng dokumento ay lumalabas na nagpapanggap lang ang mga ito na naganap kamakalawa sa Quezon City.

Ang mga nadakip ay kinilalang sina Henry Ysulat Jr., 29, ng No. 61Q Gen. Lucban St., Bagong Silangan at Joselito Luz, 54, family driver ng Brgy. West Crame, San Juan City.

Unang nadakip si  Ysulat, alas-3:30 ng hapon sa checkpoint sa boundary ng Payatas Road malapit sa Montalban/Rodriguez sakay ng magenta Mio Sporty motorcycle at nakasuot ng  Police General Office Attire (GOA) uniform at sinabing nakatalaga sa Police Security and Protection Group (PSPG).

Subalit, nang beripikahin ay wala itong naipakitang PNP identification at wala ring  driver’s license at nang kapkapan ay nakumpiska ang caliber 9mm Pistol Browning Arms  Company Morgan, Utah & Montreal with Serial No. 64523, 32 piraso ng mga bala, anim na bala ng  cal. 45 na nakalagay sa firearm holster, isang  handheld radio, ibat ibang identification cards na may pangalan niya,  blue cellular phone,  handcuff,  brown vest na may “PULIS” markings at  Yamaha Mio Sporty Motorcycle na may MV File no. 1301-00000836840.

Sinabi ni Ysulat na ang mga nakumpiska sa kaniyang baril at bala, at police uniform ay pag-aari ng kaniyang kamag-anak na retiradong pulis.

Bandang alas-6:10 ng hapon nang sunod na maaresto si Luz sakay ng kulay gray Suzuki APV (UOZ 147) nang dumaan sa  checkpoint sa Batasan-San Mateo Rd., Brgy. Batasan na nakasuot ng police upper athletic shirt at nagpakilalang pulis. Nang hingan ng ID at lisensiya, wala itong naipakita at sa halip ay ang  traffic violation receipt ang ibinigay at nang kapkapan, nakuha ang shabu na nagkakahalaga ng  P2,500.

Ang dalawang suspek ay nakapiit na sa QCPD Police Station 6 at nahaharap sa patung-patong na kaso.

PEKE

PULIS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with