MMDA General Manager nahawa rin sa COVID-19
MANILA, Philippines — Nahawa na rin sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) si Metro Manila Development Authority (MMDA) General Manager Jojo Garcia.
Sa kanyang official statement kahapon, inamin ni Garcia na positibo siya sa nakakamatay na coronavirus.
“I wish to inform everyone that I will have to work from home as i have been found positive for COVID-19. My work puts me under a lot of risk, and this is part of it. I embrace this challenge with full trust and faith in God that I will overcome the same with your prayers. Thank you,” ayon sa pahayag ni Garcia.
Pinapayuhan ni Garcia ang mga nakasalamuha nitong mga opisyal, kawani at mediamen na mag-self quarantine.
Nabatid kay Garcia na huli niyang aktibidad ay noong Marso 20, 2020 partikular sa isinagawang turn-over ni Senator Manny Pacquiao sa limang tourist bus sa flagpole area ng MMDA sa Guadalupe, Nuevo, Makati City na dinaluhan ng iba pang opisyal at personnel ng MMDA, at mga mamamahayag.
Ang limang tourist bus na ipinahiram sa senador ay kabilang ngayon sa ginagamit na service vehicle ng MMDA para sa libreng sakay ng essential workers dahil sa kawalan ng masasakyan sa panahon ng Enhanced Community Quarantine.
Lumalabas na Marso 23 nang kusang mag-quarantine si Garcia matapos malaman na isa sa nakasama nito sa isang pagpupulong ay nagpositibo sa COVID-19.
- Latest