7 PUIs na pinauwi ng ospital ililipat sa Quezon City quarantine facility
MANILA, Philippines — Nakatakdang ilipat ng Quezon City government sa kanilang quarantine facility na tinawag na “Hope 1” ang pito sa 14 na pasyente na persons under investigation (PUIs) na pinauwi ng ospital para sana magpagamot.
Ang Hope 1 ay isang hotel na walang guest na pinagkaloob sa QC government para paglagyan ng mga PUIs sa COVID-19.
“Nalaman na lamang namin na mayroon palang mga pasyente ang pinauwi ng ospital, hindi ito na coordinate sa amin, dapat nakipag coordinate sila para natulungan, kaya nag-trace ang LGU sa kinaroroonan ng mga pinauwi ng ospital, nalaman namin na sila ay nasa tahanan at doon nagpapagaling” pahayag ni QC Mayor Joy Belmonte.
“Ung iba kase na pasyente ay mayayaman at sa kanilang mga tahanan na lamang nagpapagaling at yung talagang walang kapasidad na magpagamot e atin pong tinutulungan”dagdag ni Belmonte.
Inatasan ni Mayor Belmonte ang city health department na alamin ang bilang ng mga senior citizen na nasa loob ng Extreme Enhance Zone upang agaran silang mabigyan ng pheumonia vaccine at naghahanda na ang lungsod kung magkaroon pa ng worse case scenario kaugnay ng virus.
- Latest