Chairman kakasuhan sa fake news

Nabatid na ginawa ni Ancheta ang FB Live dakong ala-1:00 ng hapon kamakalawa. Agad naman gumawa ng paglilinaw si Dr. Alberto Herrera, City Health Officer, na subject sa Person Under Investigation (PUI) lamang ang isang security guard na nasa nasasakupan ni Chairman Ancheta at hindi COVID-19 positive o confirmed case na taliwas sa sinabi ng tserman kaya kumalma ang mga residente.
STAR/File

MANILA, Philippines — Kakasuhan ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro ng Indirect Violation of the Protocol ng Department of Health (DOH) ang isang barangay chairman sa Marikina dahil sa pagpapakalat nito ng maling impormasyon tungkol sa  COVID-19 na lumikha ng panic ng kanyang mga kapitbahay. Sinabi ni Mayor Teodoro, ipinakalat ni Barangay Tumana Chairman Ziffred Ancheta sa kanyang Facebook Live, na may mga residente ng Brgy. Tumana ay nagkaroon ng COVID-19.

Dahil naka-live sa Facebook ni Ancheta kaya naniwala naman ang kanyang mga kabarangay kaya natakot at nagpanic ang mga ito.

Show comments