MANILA, Philippines — Sinibak sa puwesto at nakatakdang kasuhan ng administratibo ang tatlong pulis na naaktuhang nag-iinuman habang naka-duty sa loob ng Southern Police District (SPD) Headquarters, Fort Bonifacio, Taguig City, Sabado ng gabi.
Ang mga pulis ay kinilalang sina Police Executive Master Sergeant Dennis Matriano; P/Corporal Misael Ruby; at P/Staff Sergeant Marvin Hipolito na nadatnan ni Acting District Director P/Col. Emmanuel Peralta na nag-iinuman ng alak sa loob ng Law and Order Section ng SPD headquarters, alas 6:00 ng gabi ng Marso 14, 2020.
Ipinag-utos ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Major General Debold Sinas na disarmahan ang tatlo at italaga sa SPD control points.