MANILA, Philippines — “Papatawan ng kaukulang parusa ang sinumang magsasamantala sa sitwasyon ngayon dahil nakalilikha lamang ito ng pagtataas sa presyo ng mga bilihin”.
Ito ang naging babala ni Presidential Spokesman Salvador Panelo at hindi rin sasantuhin ng palasyo ang mga reseller na nagbebenta ng sobra-sobrang presyo sa mga basic commodoties tulad ng mga alcohol at hand sanitizers.
“The Office of the President hereby gives warning to those hoarding vital commodities, which create a hike in the prices, as well as selling them beyond their regular prices, that their actions will be dealt with accordingly in pursuance of public safety and order. Those who unscrupulously take advantage of the health crisis will also be arrested and dealt with in accordance with law,” ayon kay Panelo.
Nabatid na kalat sa social media partikular sa Facebook ang mga nagbebenta ng alcohol at facemask sa mas mataas na halaga.
Sinabi ni Panelo na sa ganitong pagkakataon na may banta sa kalusugan ng publiko ay dapat nagkakaisa ang mga Filipino.