^

Police Metro

Mag-lover itinumba

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang mag-live in partner ang pinagbabaril sa magkahiwalay na lugar ng mga hindi pa kilalang suspek, kahapon ng madaling araw sa Brgy. Western, Bicutan, Taguig City.

Ang mga nasawi ay kinilala lamang sa mga alyas na “Gillian”, nasa pagitan ng 25-30 taong gulang at nakasuot ng pulang duster at si alyas ‘Negro’, may taas na 5’6”.

Sa ulat, unang natagpuan ang bangkay ni Gillian dakong ala-1:45 ng madaling araw sa may Purok 10, PNR Site sa Brgy. Western Bicutan na tadtad ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan at alas-5:00 ng madaling araw nang matagpuan ang bangkay ni alyas ‘Negro’ sa may Purok 11 sa PNR Site sa parehong barangay na tadtad rin ng tama ng bala.

Nabatid sa mga residente na dayo lamang sa kanilang lugar ang dalawa na nagtutungo umano sila sa isang kaki­lala para umiskor ng iligal na droga.

PINAGBABARIL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with