Ex-MRT GM Vitangcol guilty sa kasong graft

Ang kaso ay kaugnay sa maanomalyang maintenance contract na inaward ng MRT-3 sa PH Trams kung saan si Soriano ay isang executive officer at hindi ito sinabi ni Vitangcol na ito ay kanyang uncle-in-law.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Tig-anim na taon at isang buwan hanggang walong taon sa bawat kaso na pagkakulong ang inilabas na hatol ng Sandiganbayan laban kina dating MRT General Manager Al Vitangcol at uncle-in-law nito na si Arturo Soriano.

Base sa 44-pahinang desisyon ng 3rd Division ng Sandiganbayan napatunayang guilty beyond reasonable doubt sina Vi­tangcol at Soriano sa kasong paglabag sa RA 3019 o ang sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at RA 9184 o ang Government Procurement Act.

Ang dalawa ay pinagbawalan na rin humawak ng anumang posisyon sa pamahalaan.

Samantala, pinawa­lang­- sala naman ang dalawa sa isa pang kaso ng paglabag sa anti-graft law.

Show comments