MANILA, Philippines — Mahigpit na binabantayan ng mga consumers ang Competitive Selection Process (CSP) para matiyak na magiging abot-kaya ang kanilang bayarin ng makokonsumo sa mga kompanya ng elektrisidad.
Kasunod nang pagpapalabas ng power firm ng mga bagong ‘terms of reference’ (TOR) para sa mga bids ng kanilang 1,200 MW power requirement.
Ayon kay Gerry Arances, convenor ng Power for People Coalition (P4P) na “welcome” sa kanila ang mga pagbabago na ginawa ng power firms sa kanilang TOR sa kanilang ikalawang mga ‘bids’ matapos maudyukan ng Department of Energy (DoE), pero hindi umano nila nalilimutan kung gaano ang paghahangad nito na ipapasan sa kanilang mga kostumer ang ‘costly and dirty electricity’ mula sa ‘coal’ o karbon.
Binigyang diin ng P4P convenor, na sa pagtatapos ng 2019 na may pinakamataas na naitalang rekord ng ‘red and yellow alerts’ sa loob lamang ng isang taon sa Luzon grid ay dahil na rin sa karamihan sa pinagkukunan ng elektrisidad ay mula sa coal power plants na aabutin pa umano ng ilang araw bago maibalik ang operasyon kapag nagkaroon ng problema.
Hinamon ng grupo ang power firm na gawing New Year’s resolution nito bukod sa abot-kayang halaga ay ligtas pa sa kalusugan at kalikasan ang kanilang ‘power requirements.’