31 na ang nasawi kay ‘Ursula’

Sinabi ni National Disaster Risk Reduction Management Council Executive Director Ricardo Jalad, karamihan sa mga nasawi ay sa Western Visayas Region na nakapagtala ng 19 kataong nasawi.
STR / AFP

MANILA, Philippines — Muling nadagdagan ang nasasawi sa pana­nalasa ng bagyong Ursula na pumalo na sa 31 katao, dalawa ang nasugatan habang 12 pa ang nawawala sa ilang rehiyon sa bansa partikular na sa Visayas Region.

Sinabi ni National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) Executive Director Ricardo Jalad, karamihan sa mga nasawi ay sa Western Visayas Region na nakapagtala ng 19 kataong nasawi.

Kabilang ang 13 sa Iloilo na karamihan ay nalunod; apat sa Capiz at dalawa sa Aklan.

Sa Region VII (Central Visayas) ay isa namang biktima ang naita­lang nasawi sa Cebu.

Sa Region VIII o Eastern Visayas ay walo ang naitalang namatay na kinabibilangan ng isa sa Southern Leyte, dalawa sa Leyte, isa sa Biliran; tatlo sa Eastern Samar at isa sa Samar.

Dalawa naman ang naitalang nasugatan sa Iloilo na nasasakupan ng Western Visayas Region.

Naitala naman sa 12 katao ang nawawala pang biktima na patuloy na pinaghahanap matapos ang hagupit ng bagyong Ursula.

Show comments