2,000 Pinoy workers pinasaya sa Palayan City
MANILA, Philippines — Umuwing lahat na masaya ang nasa 2,000 overseas Filipino workers (OFWs) na nakilahok sa kauna-unahang Pamaskong Handog ni Palayan City Mayor Rianne Cuevas.
Pinakamapalad na nagwagi ng grand prize na brand new Ford EcoSport ay Rommel Diaz, mister ng OFW na si Lourdes Diaz, na personal na handog ni Bong Cuevas, asawa ng mayora.
Bukod kay Diaz,10 OFW din ang nagwagi ng Aling Puring’s Sari Sari Store Package ng Puregold na nagkakahalaga ng P20,000 bawat isa; 5 ang nanalo ng computer sets na may kasamang printer, web camera at MS Office license; 20 ang nagwagi ng brand new cellphones na may kasama ng sim cards.
Ang iba ay nanalo ng stand fan; rice cooker; oven toaster; gift certificates at Christmas ham.
Sinabi ni Mayor Cuevas,nais niyang pasalamatan ang mga OFW ng Nueva Ecija na malaki ang naitulong para sa pag-unlad ng Palayan City at hangaring ng maiahon ang kanilang pamilya sa kahirapan.
Bukod sa masayang programa para sa mga OFW, meron ding job fair para sa local at overseas employment sa mga OFW at kanilang pamilya.
Inanunsyo rin ni Mayor Cuevas, na pinarangalan ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang lungsod bilang “The Best One-stop Service Center for OFW” sa buong Pilipinas.
Malaking tulong sa mga OFW sa Nueva Ecija, ang One-Stop Service Center ng Palayan dahil hindi na nila kailangang lumuwas ng Maynila para mag-ayos ng kanilang mga papeles papuntang abroad.
- Latest