Resulta ng CSP kinuwestiyon P4P
MANILA, Philippines — Kinuwestiyon ng Power for People Coalition (P4P) sa Energy Regulatory Commission (ERC) ang pagpasa ng anim na power supply agreements (PSA) mula sa katatapos na Competitive Selection Process (CSP) nang maghain ito ng “petition for intervention” noong Nobyembre 9.
Ayon kay Gerry Arances, convenor ng P4P na nakakaalarma ang pag-iwas sa biddings ng kanilang power supply agreement at pagkalipas ng dalawang taon ay pumasok na dito ang Competitive Selection Process upang mapanatili ang nasabing power consumers na nakakasira sa kalikasan.
Aniya, sa anim na PSAs na kasalukuyang nasa proseso para sa pag-aapruba ng ERC, umaabot ng 1,460 MW ay mula sa ‘coal’ o karbon at ang iba ay ‘fossil fuels.’
Minamadali ng PSA ang pag-aapruba sa bagong PSA’s dahil ang umiiral na kontrata na 1,905 MW, at mula sa ‘coal-fired power plants’ at mapapaso na ngayong buwan ng Disyembre.
Sa kontrata na magtatapos ngayong taon ay kabilang ang PSAs, ang Masinloc coal-fired power plant (430 MW), Therma Luzon coal plant (350 MW), at coal facility ng San Miguel Energy Corporation (430 MW).
Binigyang diin naman ni Ian Rivera, National Coordinator of the Philippine Movement for Climate Justice, na isang kasinungalingan ang sinasabing serbisyo ng PSA sa kanilang mga konsyumer, dahil ang pagsusunog ng maraming karbon ay magiging sanhi ng malalalim na pagbaha sa bansa.
- Latest