MANILA, Philippines — Sa susunod na linggo ay ipalalabas na ng Quezon City Regional Trial Court ang desisyon kaugnay ng Maguindanao massacre case.
Itinakda ni QC RTC branch 221 Presiding Judge Jocelyn Solis-Reyes na gawin ang promulgasyon sa kontrobersiyal na kaso sa December 19 sa QC Jail-Annex sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.
Dapat sana ay noon pang buwan ng Nobyembre ipalalabas ni Judge Reyes ang desisyon sa kaso pero humingi siya ng palugit sa Korte Suprema dahil sa dami ng records na nais busisiin at pag-aralan.
Ang Maguindanao massacre case ay may 10 taon ding binusisi ng QC court na may kinalaman sa pamamaslang sa mga miyembro ng media at kaanak at supporters ng noo’y Buluan, Maguindanao Vice Mayor Esmael “Toto” Mangudadatu sa isang motorcade papuntang tanggapan ng Commission on Elections para mag-file ng kandidatura bilang gobernador ng Maguindanao.