^

Police Metro

Mister utas sa selosang misis

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Idineklarang dead on arrival ang biktimang si Michael Sarmiento, 35, painter nang siya ay pagsasaksakin ng selosang misis na si Jissel 23, warehouse maintenance sa loob ng kanilang bahay sa Kasunduan Creek, Brgy. Commonwealth, Quezon City.

Sa imbestigasyon, bago naganap ang krimen, alas-9:45 ng gabi ay narinig ni Christine Joy Sarmiento, kapatid ng biktima, na nagtatalo ang mag-asawa sa kanilang silid na tila may pinagseselosan ang suspek.

Ilang sandali ay narinig na lamang ni Christine Joy na sumisigaw at humihingi ng saklolo ang kapatid na si Michael kaya tinawag niya ang pamangkin na si Rendelyn para pasukin ang bahay ng mag-asawa.

Nang buksan ang pintuan ng silid ay nakita na lamang nilang duguan nang nakabulagta ang biktima sa sahig habang tulalang nakaupo at hawak pa ni Jissel ang  kutsilyong ginamit nito sa pananaksak.

Isinugod sa East Avenue Medical Center ang biktima, pero idiniklarang dead on arrival.

vuukle comment

MICHAEL SARMIENTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with