MANILA, Philippines — Umaabot sa 301 Chinese kabilang ang pitong menor de edad ang pinapatapon ng Bureau of Immigration pabalik ng kanilang bansa dahil sa iligal na nagtatrabaho dito sa Pilipinas.
Sakay ng dalawang charter flights mula Puerto Princesa International Airport, sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na ang nasabing bilang ay bahagi ng 329 illegal aliens na naaresto sa walong hotel at establisimyento noong Setyembre 16.
Naaresto ang mga ito sa operasyon ng BI intelligence sa tulong ng Armed Forces of the Philippines Western Command (Wescom).
Ayon kay Fortunato Manahan, BI Intelligence Division chief, ang mga foreign nationals ay dinakip dahil sa paglabag sa kondisyon o over staying at pagtatrabaho sa bansa ng walang kaukulang permit at visa.
Kinansela na rin ni Manahan ang mga passports ng mga idineport kaya’t ikinokonsidera nang ‘undocumented aliens’ ang mga ito.