^

Police Metro

301 Chinese illegal workers, pinapatapon

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Umaabot sa 301 Chinese kabilang ang pitong menor de edad ang pinapatapon ng Bureau of Immigration pabalik ng kanilang bansa dahil sa iligal na nagtatrabaho dito sa Pilipinas.

Sakay ng dalawang charter flights mula Puerto Princesa International Airport, sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na ang nasabing bilang ay bahagi ng 329 illegal aliens na naaresto sa walong hotel at establisi­myento noong Setyembre 16.

Naaresto ang mga ito sa operasyon ng BI intelligence sa tulong ng Armed Forces of the Philippines Western Command (Wescom).

Ayon kay Fortunato Manahan, BI Intelligence Division chief, ang mga foreign nationals ay dinakip dahil sa paglabag sa kondisyon o over staying at pagtatrabaho sa bansa ng walang kaukulang permit at visa.

Kinansela na rin ni Manahan ang mga passports ng mga idineport kaya’t ikinokonsidera nang ‘undocumented aliens’ ang mga ito.

ILLEGAL WORKERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with