MANILA, Philippines — Kahit pa nabawasan ng nasa P186 milyon ang kanyang net worth sa nakaraang anim na buwan ay si Sen. Cynthia Villar pa rin ang pinakamayaman sa hanay ng mga senador ng 18th Congress.
Sa pinakahuling Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ni Villar noong Hunyo 30, 2019, idineklara nito ang net worth na P3,534, 412, 797 na mas maliit ng P185,529,016 kumpara sa kanyang net worth na P3,719,941,858 noong Disyembre 31, 2018.
Pinakamahirap naman sa hanay ng mga bagong senador na nanalo sa eleksiyon noong Mayo 13 ay si Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go na nagdeklara ng net worth na P15,508,370.82 at sa hanay ng mga senador ay nasa 24 na puwesto si detained Sen. Leila de Lima na may net worth na P7,706,392.45.
Pumangalawa pa rin bilang pinakamayamang senador si Sen. Manny Pacquio na may net worth na P3,005, 808,000; Sen. Ralph Recto, P555,324,479.82; Sen. Juan Miguel Zubiri, P182,851,570.34; Sen. Ramon “Bong” Revilla, na may net worth na P164,203,379.38.
Sumunod kay Revilla sina Sen. Sonny Angara P139,026,597;Senate Minority Leader Franklin Drilon P 97,726,758; Sen. Sherwin Gatchalian P96,210,607.14 at Sen. Grace Poe P95,693,450.37.
Nasa ika-10 puwesto si Sen. Pilar Juliana Cayetano-P82,308,227.36.Pang-11 si Sen. Richard Gordon-P71,285,178.56 at pang-12 si Senate President Vicente Sotto III P70,120,700.30; Sen. Manuel “Lito” Lapid-P69,910,000; Sen. Francis Tolentino-P62,482,000; Sen. Nancy Binay ay nasa ika-15 na nagdeklara ng P59,911,019 na net worth na mas mababa ng P221,442 kumpara sa P60,132,461 na yaman noong Disyembre.
Sumunod kay Binay si Sen. Panfilo Lacson, P42,442,34; Sen. Imee Marcos, P29,970,467;at Sen. Aquilino “Koko” Pimentel, P29,934,635.
Ang bago rin sa Senado na si Sen. Ronald Dela Rosa ay nasa ika-19 na nagdeklara ng net worth na P28,258,908; Sen. Joel Villanueva P26,921,555; Sen. Francis Pangilinan-P16,695,048.17 at Sen. Risa Hontiveros- P15,627,176.04.