Obrero inabangan saka binaril

Napuruhan ng punglo sa katawan na agad ikinasawi ang biktimang si Randy Briones Lopez, residente ng nasabing barangay.
File

MANILA, Philippines — Nasawi noon din ang isang 28-anyos na construction worker matapos barilin ng hindi pa nakilalang suspek habang lulan ng kanyang motorsiklo sa kahabaan ng Zone-4, Tuminao, Brgy. Bequito Viejo sa bayan ng Libmanan, Camarines Sur, kamakalawa ng gabi.

Napuruhan ng punglo sa katawan na agad ikinasawi ang biktimang si Randy Briones Lopez, residente ng nasabing barangay.

Wala namang nakakita sa gunman na tumakas patungo sa ‘di malamang direksyon matapos ang pamamaril.

Sa ulat, dakong alas-9:00 ng gabi sakay ng kanyang motorsiklo at pauwi ang biktima nang parahin ng hindi nakilalang gunman sa gitna ng kalsada.

Pagtigil ng biktima ay agad itong binaril sa katawan dahilan ng kanyang agarang kamatayan.

Nakuha sa lugar ang isang basyo ng hindi pa malamang kalibre ng baril.

Show comments