100 SK chairmen lumahok sa clean up drive

MANILA, Philippines — Ipinakita muli ng Sangguniang Kabataan Federation ng Maynila ang kanilang pagkakaisa nang lumahok sa ikalawang araw ng clean up drive.

Mula Pampanga St., sa kahabaan ng Juan Luna St. at Hermosa St., ang winalis at nilinis ng may 100 SK chairmans sa pangunguna ni SK Federation President at Councilor Dave Tan na kung saan ay nakahakot ng 73 sako ng basura at garbage bag.

Ayon kay Tan, ang kanilang clean up drive ay tulong sa hangarin  ni Manila Mayor Isko Moreno na malinis at maibalik ang kalsada sa publiko.

Panawagan ni Tan, dapat na lumahok ang iba pang SK Chairman upang mas mabilis na malinis ang iba pang lugar sa lungsod.

Maging ang Department of Public Services ay nagsasagawa rin ng paghahakot ng basura katuwang ng SK Fede­ration Manila -

Show comments